ESP: MISYON SA BUHAY
Lahat tayo ay may mga pangarap sa buhay, mga layunin, pangitain—maaaring sabihin ng isa, mayroon tayong mga misyon sa buhay. Ang ilan sa atin ay may mga layunin na ang sarili lamang ang makikinabang, at ang pangunahing layunin nito ay itaas ang sarili maaaring sa pamamagitan ng pag-angat ng katayuan sa buhay, pagpaparami ng kayamanan, at lahat na mga materyal na bagay. Ang iba naman ay may layunin sa paggawa ng mga bagay-bagay na maaaring pakinabangan ng karamihan. Gumagawa ng iba’t ibang paraan ng pagtulong sa kapwa lalo na sa mga nangangailangan. At hindi inisip kung ito ba ay ikayayaman nila. Pero ang iba naman ay nangarap na gawin ang pareho. Ako naman, pangarap ko talaga na makatulong sa kapwa, lalong lalo na sa mga mahihirap at talagang nangangailangan ng tulong. Magagawa ko lang ito kung ako ay may sapat na kakayahang pinansyal. Kaya ginawa kong personal na misyon sa buhay ang makapagtapos sa pag-aaral at InshaAllah (kung ipahintulot ng Panginoon) magiging isang doktor...