Araling Panlipunan: OPEN LETTER


PRESIDENT RODRIGO DUTERTE

Presidente ng Republika ng Pilipinas

 

Mahal na Pangulo,

 

Ako po ay si Macoushla Mae L. Secuya, 15 years old, at nag-aaral sa A.C.T. Bulacao Campus Cebu City. Sumulat po ako dahil gusto kong ipaabot sa inyo ang aking munting kaalaman tungkol sa ilan sa mga problema sa iba’t ibang sektor ng lipunan.

 

1.       Sektor ng Kalusugan - sa kasalukuyan po, nararanasan at kumakalat ng buong bansa ang COVID-19 pandemic. Maraming Pilipino; bata at matanda ang namamatay.

2.       Sektor ng Paggawa - dahil po sa COVID-19 pandemic, maraming mga Pilipinong manggagawa ang nawalan ng trabaho kung kaya't maraming mga negosyo ang nagsara.

3.       Sektor ng Agrikultura - ang mga pananim at iba pang ani ay hindi nakarating sa lugar na dapat ideliber dahil walang masakyan, hindi rin ito nabibili sa tamang halaga dahil binibili nalang ng mura sa mga oportunista na mga middleman.

4.       Sektor ng Edukasyon - kasalukuyang nangangapa sa new normal na learning method o online classes ang mga estudyante at guro. 

5.       Sektor ng Kaligtasan - dahil sa mga napabalitang pang aabuso sa kapangyarihan at mga iligal na kalakalan na sangkot ang mga kapulisan, maraming mga mamamayan ngayon ang hindi na nagtitiwala sa kanila.

 

Sana po matugunan ang mga problemang ito ng makaraos naman ang lahat sa dinaranas na kahirapan ngayon. Sana po magkaroon na ng COVID-19 vaccine at mabakunahan na ang lahat para masugpo na ito.

 

Maraming salamat po.

 

 

Gumagalang at humahanga,

Macoushla Mae L. Secuya 



Comments

Cool Kids

#PardoChurch#AralinPanilipunan

Classical Art Inspired Artwork #TheArtistWithin #TwoWeeksEarly #:)))