ESP: MISYON SA BUHAY
Lahat tayo ay may mga pangarap sa buhay, mga layunin, pangitain—maaaring
sabihin ng isa, mayroon tayong mga misyon sa buhay. Ang ilan sa atin ay may mga
layunin na ang sarili lamang ang makikinabang, at ang pangunahing layunin nito ay
itaas ang sarili maaaring sa pamamagitan ng pag-angat ng katayuan sa buhay, pagpaparami
ng kayamanan, at lahat na mga materyal na bagay.
Ang iba naman ay may layunin sa paggawa ng mga bagay-bagay na maaaring pakinabangan
ng karamihan. Gumagawa ng iba’t ibang paraan ng pagtulong sa kapwa lalo na sa
mga nangangailangan. At hindi inisip kung ito ba ay ikayayaman nila. Pero ang
iba naman ay nangarap na gawin ang pareho.
Ako naman, pangarap ko talaga na makatulong sa kapwa, lalong lalo na sa
mga mahihirap at talagang nangangailangan ng tulong. Magagawa ko lang ito kung
ako ay may sapat na kakayahang pinansyal. Kaya ginawa kong personal na misyon
sa buhay ang makapagtapos sa pag-aaral at InshaAllah (kung ipahintulot ng Panginoon)
magiging isang doktor. Ako’y naniniwala na mas marami akong matutulungan kung
gawin kong matagumpay muna ang aking sarili. Kung ako ay isang doktor na,
Pediatrician, lahat ng aking mga pangarap ng pagtulong sa kapwa ay magagawa ko
na ng lubusan, tulad ng pagbibigay ng free clinic ng isang araw sa isang
linggo, pagkaroon ng feeding program, paggawa ng bahay ampunan o orphanage
at bahay kalinga para naman sa mga matatanda na kinalimutan na ng kanilang
mga anak o mga homeless na mga matatanda, at gusto ko ring tulungan ang
mga asong gala, mga asong wala ng tahanang kumukupkup. Ang dami-dami kong gustong
gawin ng pagtulong.
Alam kong napakahirap ang daan
upang maabot ang aking hangarin, alam kong maraming pagsubok ang dadaanan ko upang
makamit ang aking pangarap o misyon sa buhay, pero ako’y naniniwala na sa
tulong ng Panginoon at kung kanyang ipahintulot, gaano man ito kahirap, pangarap
ko ay maaabot ko.
Comments
Post a Comment