#OpenLetter #HumanRights

 Para sa,

Sinumang magpapahiram ng kanilang mga mata, tainga, at puso.


Hey,

    Oo ikaw, ikaw nga!... na nagbabasa nito na nakaupo sa isang sofa, sa sahig, sa iyong kama, o nasa iyong lugar ng trabaho o sa paaralan, marahil kahit sa isang tindahan sa isang lugar, humihigop ng isang tasa ng kape o tsaa. Ikaw na hindi kailanman naisip o kailangang mag-isip "Bakit ako tinatrato sa ganitong paraan?" o “Ano ang pinagkaiba ko sa kanila?”. Sa iyo na walang paki-alam sa mga taong hina-harass at tinatapakan ang pagkatao dahil lang sa hindi nila kayang ipagtanggol ang sarili. Iniaalay ko ang liham na ito sa iyo.

    Ang karapatan ng isang tao na mabuhay, karapatang magmahal, at karapatang maging kung sino siya ay hindi isang bagay na basta na lamang mapagpasyahan ng ibang tao batay sa kanilang personal na paniniwala at katayuan sa buhay. Ang bawat isa sa atin na nabubuhay sa mundong ito ay may karapatan ng mabuhay na ayon sa gusto natin. At ang bawat isang tao ay nararapat lamang na tratuhin bilang isang tao. Paulit-ulit nating sinasabi, 'Ang lahat ng buhay ay mahalaga.' Kaya bakit parang ang mga may kakayahang kumain ng doble sa kanilang timbang lamang ang napapansin habang ang mga halos hindi makabayad para sa tirahan ay sinisipa sa baluktot nating pag-iisip? Lahat tayo ay iisang lahi, lahat ay iisang nilikha. Lahat tayo ay nabubuhay, tumatawa, umiiyak, nagmamahal sa sugatang planetang ito, kaya bakit tayo tinatrato ng hindi pantay at iharap laban sa isa't isa? Nakakalungkot, hindi ba? 

    Ang mundong ating ginagalawan ay ganito na sa loob ng maraming siglo, ang paggalang ay binibigay lamang sa mga may kapangyarihan at may pera, habang ang mga walang wala ay wala ring nakukuha. Kaya ako sumisigaw sa inyo, nakikiusap, mga mahal na mambabasa, mangyaring ipaalam ang inyong boses. Mangyaring tumayo at tulungan ang mga taong tinatapakan at tinutulak pababa na marinig ang kanilang mga boses. Ang mundo ay isang napakagandang lugar, sana ay magtulong-tulong tayo na maging kasing ganda din ng mundo ang mga tao nito.




Taus-puso, 
Macoushla Mae L. Secuya.



--------------------------------------------------------------------------------------------------------------



To, 
Anyone who’d lend their eyes, ears, and hearts.

Hey,


    You, yes you, the one reading this sitting on a sofa, on the floor, on your bed, at a desk at work or at school, maybe even at a shop somewhere, sipping a cup of coffee or tea. You who have never once thought or needed to think “Why am I being treated this way?” or “What makes me any different from them?”. To you who have not given a single mind to those who are harassed and put down for inoffensively being who they are. I dedicate this letter to you. 

    A person’s right to live, right to love, and right to be who they are is not something one can simply decide based on their beliefs and personal standings. Every single human being brought into this world was given the right to live in it the moment they left the womb. And every single person deserves to be treated like a person. We repeat this phrase over and over, ‘All life is precious.’ So why does it feel like only the ones who can afford to eat twice their weight are being catered to while the ones who can barely pay for shelter are being kicked to the curb without a passing thought? We are all one race, all one creation. We’re all living, laughing, crying, loving on this wounded planet, so why should we be treated differently and put against each other? It’s weird, isn’t it? I sure think so.

    The world we live in has been this way for centuries, treating only those with power and money with respect and consideration, while those with nothing also get nothing, if not total alienation. So that’s why I’m telling you, begging you, dear reader, please let your voice be heard. Please stand up and help those who are being stepped on and pushed down have their voices be heard. The world is a beautiful place, I hope you can help make its people be just as beautiful. 




Sincerely,
Macoushla Mae L. Secuya

Comments

Cool Kids

#PardoChurch#AralinPanilipunan

Classical Art Inspired Artwork #TheArtistWithin #TwoWeeksEarly #:)))

Araling Panlipunan: OPEN LETTER