COVID19: A Reminder
Nitong Disyembre, ngayong linggo lamang, may kabuuang 2.83 milyong kaso ng Corona Virus sa Pilipinas at mahigit 264 milyon sa buong mundo. Sa humigit-kumulang 600 na kaso bawat linggo, hindi mo talaga maiwasang magtaka kung bakit hindi bumababa ang mga numero.
Sa buong
mundo, kilala tayong mga Pilipino sa maraming bagay; sa ating mabuting
pakikitungo at kabaitan sa kapwa, gayunpaman, merong isang bagay na para bang
ating nakaligtaan; ang pagiging matigas ang ulo. Ilang beses man ipahayag ang mga protocol,
gaano man kahigpit ang kanilang mga alituntunin, ang mga Pilipino ay patuloy pa
rin na gumagala nang walang maskara at walang social distancing. Sa kabila
ng lahat ng katibayan, tila hindi natin maisip na mayroong isang nakamamatay
na virus na kumakalat sa bawat bansa sa buong mundo.
Ang Corona Virus ay hindi isang simpleng virus lamang. Pero,
hindi ibig sabihin na hindi natin ito kayang iwasan. Ang simpleng pananatili sa
loob ng bahay hangga't maaari, paglilinis ng iyong sarili hangga't maaari, at
pag-iwas na pumunta at manatili sa mga matataong lugar, at pag-iwas na makihalubilo
sa kapwa kung hindi naman kinakailangan ay sapat na magbibigay sa atin ng
mataas na tsansa na maging ligtas sa nakamamatay na Corana Virus. Oo, sinabi ko
na mataas ang tsansa, na nagpapahiwatig na mayroon pa ring maliit
na pagkakataon para makuha mo ang virus kahit matapos mong sundin ang lahat ng
hakbang sa itaas. Dahil kahit isang tao ay nag-iingat ay hindi nangangahulugan
na ang lahat ay ligtas, kung ikaw lamang ang sumusunod sa mga protocol, hindi
pa rin ito magkakaroon ng malaking epekto dahil ang iba ay nagdudulot pa rin ng
problema sa kanilang pagiging makasarili.
Sigurado ako na nabasa at nakita mo na ito sa iba’t ibang media
coverage; namamatay ang mga tao. Bilang mga kabataan ngayon, tayo ay
itinuturing na pag-asa para sa hinaharap, kaya bakit hindi natin panatilihing
ligtas ang isa't isa at siguraduhing mayroon pa tayong hinaharap na inaasahan?
Comments
Post a Comment