ESP: Pagiging Tao o Pagkakatao?
Alin sa
dalawa ang naging madali sa iyo
“Ang
pagiging tao o pagiging makatao” ?
Para sa
akin, ang pagiging tao ay mas madali kaysa magiging makatao dahil tayo ay
isinilang na tao. Bilang isang tao, lahat tayo ay may kakayahang mag-isip,
makaramdam ng emosyon, at may kanya-kanyang paniwala sa Diyos.
Ang
pagiging tao ay kailangan mo lang maging ikaw, gawin kung anuman ang gusto mo
at wag gawin ang kung anuman na ayaw mo. Gaya ng sinabi ko, tayo ay ipinanganak
na tao, hindi hayop, hindi halaman.
Ang
pagpapakatao ay ang pagkakaroon ng mga katangian at mga magagandang asal na
tinataglay ng isang tao. Kailangan mong kumilos ayon sa kung ano ang tama o
mali, gusto mo man ito o hindi.
Katulad na
lamang ng isang pangyayari na nangyari sa akin kamakailan, ako ay sinuyo ng
aking pinsan na bantayan ang kanyang anak na apat na taong gulang dahil siya ay
mag-ukay-ukay sandali. Kahit labag sa loob ko na bantayan ang kanyang anak
dahil ito ay masyadong makulit at malikot, wala akong nagawa kung di ang
pagsabi na “Okay ate. Don’t worry about Zammie, I’ll watch over her”. Plastic na plastic.
Mahirap
talaga minsan ang pagiging makatao.
Comments
Post a Comment