Pagtulong sa Kapwa

Bawat isa sa atin ay may kanya kanyang karanasan; masaya, malungkot, mahirap, o mapaghamon. Iba’t ibang panahon, iba’t ibang pagkakataon. Bawat isa sa atin ay konektado sa isa’t isa. Minsan tayo ay tinutulungan, minsan naman tayo ay tumutulong.

Isa sa mga hindi ko makakalimutang karanasan ng pagtulong ay noong sumama ako sa isa sa mga ginawang Feeding Progmam ng aking mga magulang. Kahit lugaw lang ang hinanda ng aking Mommy at Daddy, lasap na lasap ng mga bata ang sarap nito dahil siguro ito ay tauspusong ginawa para sa kanila. Makikita mo talaga sa kanilang mga mukha ang tuwa at saya habang sila ay nakapila para kumuha ng lugaw. Hindi ko lubos na mapaliwanag ang naramdaman ko noong merong lumapit sa akin na bata na nagpapasalamat. Hindi ko man masyadong naintindihan ang kanyang mga sinabi, pero ramdam na ramdam ko ang kanyang saya.

Hinihikayat ko lahat na magtabi na kahit konte para ipamahagi sa napakaraming kapus-palad na nangangailangan ng tulong. Tulad ng aking mga magulang na halos buwan buwan nagpapakain ng lugaw sa mga bata, kayo din ay pwedeng makatulong kahit sa anumang paraan. Subukan niyo, sadyang iba ang pakiramdam ng may matulungan.  

Comments

Cool Kids

#PardoChurch#AralinPanilipunan

Classical Art Inspired Artwork #TheArtistWithin #TwoWeeksEarly #:)))

Araling Panlipunan: OPEN LETTER