#DayOffChallenge #Vlog #Project #Blessed

 


Proud na proud ako sa araw na ito dahil ang dami-daming nangyari. Gumising ako mga alas singko ng umaga upang mag-dasal. Pagkatapos, gumawa ako ng breakfast para sa aming lahat. French toast ang ginawa ko. Ito ay simpleng tinapay lang na linagyan ng itlog, gatas, at asukal, pagkatapos ay ipiprito lang. Napakasarap nito kahit simpling simple lang.

Pagkatapos ng agahan, naglinis ako sa sala namin; pinunasan ko ang mga gamit, pagkatapos ay nag-vacuum ako ng carpet, at nag-walis sa aming kusina. Pagkatapos kong maglinis, ay nag-dilig naman ako ng halaman, at napakaswerte ng lamok at kinagat ako. Nagpakain din ako ng aming mga isdang tilapia.

Nakakain na ba kayo ng isdang tilapia? Ang pinakamalaki naming nakuha sa aming mga tilapia ay mga 1.2 kg ang laki, halos kasing laki ng dalawang kamay. Alam nyo ba na mas malaki ang lalaking tilapia kay sa babae? Kaya pag-gusto mong mag-negosyo dapat mga lalaking tilapia ang piliin mong alagaan.

Yan lang yata ang mga naitulong ko sa aking mga magulang, bilang pag-bibigay sa kanila ng saglit na Day Off. Napaka-workaholic kasi ang aking mga magulang kaya di ko kaya akuhin lahat ng trabaho sa bahay.

Comments

Cool Kids

#PardoChurch#AralinPanilipunan

Classical Art Inspired Artwork #TheArtistWithin #TwoWeeksEarly #:)))

Araling Panlipunan: OPEN LETTER