Posts

Showing posts from August, 2021

ESP: Pagiging Tao o Pagkakatao?

  Alin sa dalawa ang naging madali sa iyo “Ang pagiging tao o pagiging makatao” ?   Para sa akin, ang pagiging tao ay mas madali kaysa magiging makatao dahil tayo ay isinilang na tao. Bilang isang tao, lahat tayo ay may kakayahang mag-isip, makaramdam ng emosyon, at may kanya-kanyang paniwala sa Diyos. Ang pagiging tao ay kailangan mo lang maging ikaw, gawin kung anuman ang gusto mo at wag gawin ang kung anuman na ayaw mo. Gaya ng sinabi ko, tayo ay ipinanganak na tao, hindi hayop, hindi halaman. Ang pagpapakatao ay ang pagkakaroon ng mga katangian at mga magagandang asal na tinataglay ng isang tao. Kailangan mong kumilos ayon sa kung ano ang tama o mali, gusto mo man ito o hindi. Katulad na lamang ng isang pangyayari na nangyari sa akin kamakailan, ako ay sinuyo ng aking pinsan na bantayan ang kanyang anak na apat na taong gulang dahil siya ay mag-ukay-ukay sandali. Kahit labag sa loob ko na bantayan ang kanyang anak dahil ito ay masyadong makulit at malikot, wala...